Huwebes, Agosto 4, 2016

Super Mario

Super Mario

The person who jumped into my life and changed me.....


Sa buhay talaga may darating sayo na makakapagpabago sa'yo. Yung taong malakas ang impact sayo kahit na hindi mo pa siya nakikita... Yan si Super Mario ko.


He turned me upside-down. He changed me a LOT.

It all started with a facebook post saying: " WANTED KUYA..."

I really want a big brother. Being a panganay, my wish is to have a big bro/onii-chan/kuya of my own... Andaming nagcomment sa post kong yun. Then may isang taong pumukaw sa attention ko. Si 
Mario. To cut the story short, he became my BIG BROTHER figure...

He's from Olongapo but currently staying at Cubao. Ako naman nasa Baguio nag-aaral noon... at that time taken siya and I was single. Super lambing ni kuya Mario. He would say " I LOVE YOU BUNSO KO.... ", " INGAT BUNSO KO " etc. Kahit sobrang layo ng agwat namin para parin kaming magkapatid ang asta. Lagi kami magkatext at magkaviber pero iisang beses palang sa tawag, pero okay lang yun. Masayang-masaya ako na may Kuya ako.

He is taken at that time. Sabi niya sakin ipapakilala niya raw ang " ATE " ko. Pinakilala niya nga sakin ang partner nya, pero iba ang trato sakin ng partner nya. Threat daw ako at nilalandi ko daw si Kuya. Syempre Kuya lang ang turing ko sakanya, no more, no less... Hindi siya naniwala sakin. Kahit masakit para sa akin noon, kailangan ko umiwas kila kuya. Sinabi ko na kailangan ko na lumayo para hindi na magalit si ate...

Hindi ko din natiis ang Kuya ko... bumalik ako sakanya....

Then nagkagirlfriend ako.... let's call her Peach. Nung kinukwento ko na may girlfriend na ko masayang-masaya si Kuya. Kaso days before naging kami ni Peach nagbreak sila ni Ate ko.... pinakilala ko rin si Kuya sa best friend ko thru FB.
So things ran smoothy, hanggang....

Umamin si Kuya na may gusto siya sakin.... ako naman nagulat. Pero di ko alam kung kilig oh ewan basta.... Naguguluhan na ko...

Nung nagkukwento sakin si Kuya na kachat nya ang best friend ko, aminado ako NAGSELOS ako. 

Sa isip ko noon, bat si MARIO pa? Eh kaya naman nya kunin lahat ng lalake na gustuhin niya.! Nagchachat sila, nagtetextan sila at nagtatawagan pa. KWENTO ng BEST FRIEND ko NA PARANG NANG-IINGGIT...

Unti-unti naubos ang tiwala ko sa kaibigan ko... MAY HISTORY NA KASI SYANG GANYAN..

Never in my wildest dream magagawa niya sakin din yun... Alam niya na gusto KO diba? Tapos 
haharutin niya HABANG TAKEN pa sya? GAHAMAN tawag doon.

Hindi sa possesive ako but I'm just stating the facts...

Ayon pag nagtatampo ako ke kuya about dun o sa busy sched niya bumabawi naman sya. Naglalambing, nagpapasweet... as always. Di ko namamalayan nafafall na ko sa kanya. Ang attention ko sa gf ko napupunta na kay Kuya...

At first, I tried to fight that feeling pero wala na.... MAHAL ko na ang Kuya Mario ko...
Nagkakalabuan kami ni Peach... lagi na kaming nagkakatampuhan. Aminado ako may kasalanan ako... Nung time na yun iniisip ko na tapusin na yun para wala ng masaktan pa...

Na-open ko ke kuya yun. Sabi niya ako daw ang magpasya.... at kung magiging kami daw may oras para doon..


February. Nagbreak na kami ni Peach... naamin ko na din ke Kuya ang nararamdaman ko...
Andami na naming plano ni Kuya...

Ipapasyal ko sya pag Panagbenga tapos sa amin siya tutuloy, tapos pag OJT ko dun ako sa kanya tutuloy sa Cubao...


Kaso lahat ng yun plano nalang...


Di siya natuloy umakyat kasi biglaan dumating ang ate niya from abroad. So nanood ako ng Panagbenga mag-isa...


Nung week na dumalaw ang ate niya panay post niya ng pics nila... syempre lagi ko tinitingnan. Then one day. May post na may kaakbayan siyang babae.! Tapos sa isa pang pic ang sweet nila. Inunfriend ko sya.


Hindi ako nakakain ng almusal noon. Hinagis ko ang cellphone ko at dali-daling tinanggal ang sim para putulin...


Habang pinuputol ko ang sim ko, nagpipigil ako ng iyak. Selos e... pero di naman kami. Ano ba magagawa ko edi putulin ang communication... yun ang tumatakbo sa isipan ko. That afternoon, I got a new hairstyle at bumili ng bagong sim.


Pero di ko parin siya natiis... memoryado ko ang number nya tapos inadd uli....
Nung sinabi ko yun sa kanya tawa siya ng tawa... KAIBIGAN niya daw yun... ako naman naniwala...sinabi ko yun sa best friend ko. Sabi niya tigilan ko na dahil babae daw ang kaagaw ko.


Days passed by... isang linggo syang HINDI NAGTETEXT, NAGCHACHAT....



Namimiss ko sya. Pano sanay ako everyday, afternoon, night to midnight magkatext kami.... nung first 3 days panay text ko pa... inisip ko na baka may work to.... sige hayaan ko nalang. Di na rin sya nagoonline masyado. Saglitan lang...


Dumaan ang isang linggo. I decided that its enough... kahit sobrang sakit sakin... INUNFRIEND ko siya uli. Sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko na wala na sya. Tutal nang-iwan na sa ere...

That night.... I opened my account... nagchat siya. " Bunso!!!! "
The next message crushed my heart...

Inunfriend mo ko? But why?😟


Am i that bad for u to trashed those memories that we had? Okay! Kung yn gusto mo bunso. I will let you! But promise me one thing, u take good care of urself! Okay?! Thank you for everything bunso.. kalimutan mo na ko kalimutan mo na ngkaroon ka ng kuya kuyahan."


Nagising ako.... na ang selfish ko pala.... nagmakaawa ako na mag-usap kami. Pero wala sira na ang lahat...



Nung unang mga araw, para akong zombie.... Walang buhay, walang gana...

Minsan natutulala ako. Sa jeep noon minsan naiiyak nalang ako bigla. Ang sakit kasi e... Ang sakit-sakit... sana may 2nd chance ako... naging bitter ako sa mundo, Minsan naging suicidal pa ko. Pag naghuhugas ako ng dishes, naisipan ko maglaslas pero di ko kaya....

Ang sakit. Tapos litong-lito na ko sa preference ko... andami tumatakbo sa isip ko. Pero wala ng Kuya Mario na magsasabi sakin na " Okay lang yan bunso... "

Pinilit ko mag-move forward....

I accepted my preference.... but kept it as a secret sa family ko... close friends ko ang nakakaalam...


JULY....

One night, I browsed my old messages sa phone ko. Buhay pa ang call log mula january till july. I stopped using that phone since May... May nakita akong phone number...

Number ni MARIO... As if I'm a robot nung time na yun.... tinawagan ko...nagriring! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.... then

" Hello? "

" Ku-kuya? " nginig kong sagot..

" Sino to? " tanong nya...


I hung up....di ako nakatulog that night...

The next day nagpakilala ako.... ayun nagkacommunication kami uli... Nagkamustahan. Nagsorry sa mga nagawa... ayun. Kuya-bunso tandem uli. 




BUT NOT WHAT WE USED TO HAVE BEFORE.....

I tried coping up pero hindi e... wala talaga... mahal ko parin. At nag-aassume ako na pwede pa maibalik ang dati...

One day nagtext siya...

" Tara isaw tayo... "

Nagulat ako malamang wrongsend sya...

Tapos nagreply ako 

" Kuya wrongsend ka..... "

Ilang send ko yun hoping na magreply sya... Oo nagreply siya pero ALL CAPS

" OO WRONGSEND AKO! SORRY! BIG DEAL BA SAYO NA WRONGSEND AKO? KAURAT KA! "


Nagulat ako... nagsorry ako... akala ko okay parin kami.... yun ang AKALA ko..

Sunday... nagpunta kami sa family friend namin. Since me wifi sa kanila nag-open ako ng FB...

Kakain palang kami noon. Pagcheck ko sa messages ko sinilip ko ang convo namin...


" You cannot reply to this conversation... '

BINLOCK NIYA KO!!!


Tinawagan ko sya. lahat ng sims ko. Nung nabosesan nya ko. Pinapatay nya yung call... nung pauwi na kami nanginginig ako... gusto ko umiyak. Kaso makikita ng mga kapatid ko tsaka ni mama. Ang ginawa ko pinauna ko sila. Nagpaiwan ako sa waiting shed....

Nung andun na ko tinawagan ko ang best friend kong babae. Dun di ko na napigilan.... umiyak ako ng mag-iisang oras. Ang sama kasi ng loob ko, ambabaw kasi ng rason... I admit childish ako e... pero sana di umabot ng ganun. Tapos ang sakit pa kasi mahal na mahal ko parin SYA!!!


Pumasok ako kinabukasan, bangag, wala sa sarili... 


After nun, nawalan ako ng self-confidence lalo... One day, nagkita kami ng best friend ko. May nirecommend syang app for me, para daw makamove-on ako....

I met a few people there... yung iba nakaM.U ko


During those months, parang naging painkillers sila sa sakit na nararamdaman ko. Pero kadalasan, mas pinatindi nila ang sakit na nadadama ko...


2016

JULY


Nasa Manila ako... I'm browsing my archived messages. I saw our old convo...

I can't help but cry.... sayang! Bumalik lahat ng feelings ko... Agad-agad ko sinearch ang name nya sa FB. Nakita ko yung old account niya. 

Nagmessage ako...


Kuya. Sorry 1 year na. Pero di parin ako makalimot. Sorry ha.
Tinry ko magmove on. Mahirap kuys. Alam ko nabwisit ka sa akin noon..pasensya ka na sa immaturity ko.
Miss na miss na kita kuya. Kuya. Alam mo dito na ko magtatrabaho sa maynila. Sana. Sana magkita tayo sa personal...
Miss ko na yung original na kuya ko. Sorry sa mga panahon na immature at pagiging makasarili ko.
I know this is a dead account, but I just can't help myself... Miss lang kita. Kuya Mario "

Seenzoned... that night due to stupidity or what...

I changed my fb name tapos nilagay ko yung apelido ko... ngayon lang I used my sister's FB account to see him. Pero di na ko nangalkal... baka masaktan lang ako lalo...

Its already a year.... but the wound is still healing.... Hopefully I'll get over him.. at kung sakaling magkita kami sa wakas, handa na ko...


8/5/2016







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento